NESHS '58 Alumni WEB Home
NESHS '58 Alumni's 40th Grand Reunion
"For me, the most unforgetable day of the 4-day celebration of Batch '58 was the second which was May 16, '98. On that, day a lot of activities happened. I met a lot of my friends and classmates which I have not seen for so many years.
Each group presented their parts in the program beautifully and with willingness. I could see laughter when a group of males did their parts in one of the games. Mostly, their sweetness and companionship made life precious even in that short period of time. At the end of the program, officers of Batch '58 gave their own speeches. The members who made the affair successful were given plaques of appreciation. Gifts were distributed to all members.
Mayo 16, 1998, ganap na ika-9:00 ng umaga hanggang ika 5:00 ng hapon, kami ay nagdaos ng isang tinatawag na Reunion ng high school Batch 57-58, na ginanap sa Juan R. Liwag Memorial High School (formerly Nueva Ecija South High School). Maraming nagsidalo sa reunion na ito.
Kami ay nagkita-kitang muli ng aming mga kamag-aral. Nagkaroon kami ng mga balitaan sa isa't-isa, ang aming mga antas sa buhay, kung kaligayahan ay pasalamatan at kung kabiguan naman ay bukas-palad ang aming batch upang makatulong sa aming kamag-aral upang sa gayon kahit na sandali ay madulutan namin siya ng kasiyahan.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
The '58 alumni's "Class picture" taken during the 40th anniversary reunion in the NESHS school grounds in Gapan, Nueva Ecija. Photo Source: HML. For full panoramic view, click here
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Nagkaroon kami ng malaking salu-salo at habang kami ay kumakain ay napakasaya namin na inaalala namin ang mga nagdaang panahon ng aming pag-aaral sa mataas na paaralan, gaya ng mga biruan, kantiyawan, at may parlor games pa. Labis-labis ang aming kasiyahan na para bang ayaw namin itong matapos. Sa lahat ng aming mga ka-batch ng Class 57-58, maraming salamat sa inyong pagdalo at nawa ay bigyan pa tayo ng mahabang buhay ng Dakilang Lumikha upang sa gayon ay maipagpatuloy pa natin ang isang bahagi sa ating buhay, at ito ay ang REUNION." Jacinto Yamsuan (Class '58 alumnus)